Enrolment

SY 2020-2021

Mga Paraan sa Pagpapatala ng Mag-aaral para sa SY 2020-2021

Upang masiguro ang kaligtasan laban sa Covid-19, magkakaroon ng remote enrolment sa unang dalawang linggo ng Hunyo 2020 sa Zenaida H. Gana Memorial School para sa S.Y. 2020-2021. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-click sa link sa ibaba at sagutan ang Online Learner Enrollment and Survey Form. Maraming salamat po!


Simula naman sa Ikatlong Linggo ng Hunyo,(June 15, 8:00 ng umaga -5:00 ng hapon ) maari nang pumunta sa paaralan upang ipatala ang inyong mga anak para sa Panuruang 2020-2021. Mangyari lamang sumunod sa mga tagubilin ng paaralan katulad ng pagsuot ng Face Mask sa lahat ng pagkakataon at pagsunod sa Social Distancing.